ginulo mong muli ang mundo ko.. o mas tamang sabihin na ginugulo mo pa rin ito..
bakit?
anong ginawa ko upang ako’y parusahan mo ng ganito?..
parusa na may kalakip na kaligayahan..
parusa na kay hirap takasan..
pilit ko mang tumakbo palayo ngunit bakit umaayaw ang puso ko?
pilit ko mang magtago ngunit bakit ayaw sumunod ng katawan ko?
hinihila akong pabalik ng kinang na kay hirap tanggihan..
hanggang kailan mo ako igagapos sa lubid ng nakaraan?..
kailan mo ako palalayain sa lakas ng kapangyarihang iginawad mo?
nandito pa rin akong muling umaasa..
muling umaamot..
muling naghihintay..
hindi ako makahinga..
hindi pa rin makagalaw..
hindi ko kayang magpumiglas sapagkat alam kong ito’y aking kamatayan..
kamatayan ng buhay ng aking pagmamahal..
patuloy na lamang akong magtitiis..
hanggang maramdaman mong samahan ako sa mundong binuo mo para sa akin..
flown at 01:56 pm by soul
soaring high..
Kay sarap damahin
Ang mga dampi ng alon
Sa aking paanan
Pagkatao ko'y niyayakap
Ng hatid nitong kapayapaan
Di talos ng aking tanaw
Kung saan ka nagmula
Di mawari ng aking utak
Kung bakit hindi ka mawala
Ang banayad mong haplos
Ay nagdudulot
Katiwasayan sa aking isipan
Taglay mong lamig
Ay nagbibigay ng ginhawa
Sa aking katawan
Hindi man batid
Hanggang kailan ka mananahan
Puso ko'y di kailanman mapaparam
Pag-ibig ko'y iyong panghawakan
Sapagkat
paulit ulit pa rin akong magtatampisaw
Sa dalampasigan..
flown at 03:10 pm by soul
soaring high..
Mga mata ko'y patuloy ang pagluha
Habang naaalala ang mga sandaling kaysaya
Kasama ang mga mahal ko sa buhay
Kaligayahan sa piling nila'y walang kapantay
Muli kong naramdaman ang pagtangis
Sanhi ng mabilis kong pag-alis
Isang buwang bakasyon ay dagliang naglaho
Heto ako ngayon, muling nagbalik sa bansang kaylayo
Maraming buwan muli ang aking bubunuin
ilang butil ng pawis muli ang aking papahirin
Upang makatulong sa aking pamilya
Kailangan kumayod at mag-ipon ng maraming pera
Ang pangungulila at lungkot ay kailangang labanan
Walang makakatulong kundi sarili lamang
Sa oras ng paghihirap, magdasal lamang sa panginoon
Hilinging patnubayan ang sarili sa lahat ng pagkakataon..
flown at 03:37 pm by soul
soaring high..
pagod na ako
habulin ka sa iyong pagtakbo
unti-unti nang nauubos
ang lakas ng aking pananampalataya
tuwina'y umiiwas ka
katawan mo'y abot kamay
ngunit kaylayo ng iyong diwa
pinilit kong sumunod
kahit nanghihina ang aking tiwala
ngunit kaybilis ng iyong mga hakbang
sa pagtakas sa aking anino
palayo sa aking puso
marahil nga'y kaylalim
ng iyong dahilan
subali't sapat ba upang
ako'y pahirapan?
marapat na ako'y tumigil na lamang
pagal na kaluluwa'y pahingahin
siguro nga'y daan natin ay magkaiba
di pagmamahal ang gumapos
sa mga pusong aba
hahayaan na kitang humayo
ngunit ibalik mo
ang halaga ng aking pagkatao
nais kong ngayon
mahalin ko ang sarili sa unang pagkakataon..
flown at 05:13 pm by soul
soaring high..
Several times of struggle
Slave for countless odds
There were occasions I have succeeded
But my power is less
Reason why I could fall again
And be enfolded by his burly hands
He can simply consume the strength inside
Things around could be worthless
He can rule everything
He devours my every breath
When will you ever let go of me?
Please let me free!
flown at 12:22 pm by soul
soaring high..